DepEd, nangangailangan ng 172 guro
- BULGAR

- Jul 24, 2020
- 2 min read
ni Twincle Esquierdo | July 24, 2020

Nangangailangan ng mahigit 172 na guro ang DepEd para sa broadcaster-teachers nationwide.
Ayon sa memorandum ng DepEd na inilunsad noong Hulyo 16, 86 hanggang 172 public school teacher-broadcaster ay magsasagawa sila ng klase mula sa telebisyon katuwang ang DepEd Tv, DepEd Radio at DepEd Teleradyo sa buong bansa ngayong darating na pasukan sa Agosto 24 habang panahon ng pandemya.
Isa sa mga napili ay si Rafael Martinez, 32-anyos isang High school teacher dahil may angking galing ito pagdating sa sining na maaari niyang maituro sa mga bata.
Habang kasagsagan ng lockdown ay nagsagawa siya ng art lesson at ibinahagi niya sa kanyang facebook account at ito ang dahilan kung bakit napili siya sa mahigit 172 na kinakailangan ng DepEd.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones ang radyo at telebisyon ay hindi lang sa mga bata makatutulong kundi pati na rin sa mga gurong nais matuto ng sining lalo sa mga lugar na walang internet connection, at magsisimula ang face-to-face classes sa Enero sa susunod na taon ngunit limitado lamang.
Napansin din ng DepEd ang mga gawang sining ni Martinez tungkol sa mga frontliner at si Dr. Raul Raja ang nagbigay inspirasyon kanya na namatay sa pagsugpo sa coronavirus. Isa sa mga ibinahagi ni Martinez sa kanyang facebook account ay ang “Lapiz ni Paeng” na nagbigay inspirasyon din sa mga mag-aaral.
Sa Agosto 24, sisimulan na ni Martinez ang pagtuturo ng sining sa mga kindergarden sa telebisyon.
“This is our challenge to fellow teachers. The approach is different when it comes to television. Many will be watching us so it’s a huge responsibility. It’s also a platform to showcase our talents,” ani Martinez.
Ayon kay Martinez ang telebisyon ay malaking bahagi para magkaroon ng partnership sa mga guro, studyante pati na rin sa mga magulang sa panahon ng pandemya.
Gayundin, kay Levin Pabriage, 26- anyos aniya isa sa mga pangarap niya ang mapanuod sa telebisyon at matuturo din siya sa Mambog Elementary School sa Bacoor, Cavite province.
“I’m more of the shy type but as a kindergarten teacher, I’m like an actress in front of my pupils. Every day, I need to sing, dance and act through my storytelling sessions, but I’ve never thought of myself as someone who would be on television [before] a wider audience. Since the opportunity is now here, I am really excited,” aniya.
“Instead of complaining against the DepEd, contributing our skills and talents can help solve the problem,” dagdag ni Pabriaga.
Para naman sa mga interesado mag-register lamang sa bit.ly/depedtbaf, kalakip ang resume at limang minutong video demonstrating mastery subject hanggang Hulyo 24, 12 ng tanghali at ang mga mapipili ay sasailamin sa broadcasting training bago magsimula ang klase.





Comments