Delivery rider timbog sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | March 9, 2023
ISABELA—Isang delivery rider ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Ignacio, San Mateo sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Bernardino Acosta, 54, residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments