Delivery rider, sugatan sa SUV
@Balitang Probinsiya | November 8, 2023
AKLAN -- Isang delivery rider ang nasa kritikal na kondisyon nang mabangga ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) ang kinalululanan nitong motorsiklo kamakalawa sa Mabini St., Kalibo sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Justin Celestino, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng SUV na minamaneho ni Marlon Cruz kaya nabangga nito ang motorsiklo ng biktima.
Nabatid na nagkaroon ng sugat sa paa, braso at katawan ang biktima at sa ngayon ay ginagamot na sa ospital.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property laban kay Cruz.



Comments