Delivery rider, natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | April 15, 2023
CAMARINES SUR—Isang delivery rider ang natagpuang patay, kamakalawa sa Bgy. Del Rosario Banao, Iriga City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Romel Tomenio, nasa hustong gulang at residente sa nasabing lalawigan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa naturangt barangay.
Huli umanong nakitang buhay si Tomenio na tinangay ng rumaragasang tubig-baha habang lulan ng kanyang motorsiklo sa Bgy. San Jose, Buhi sa nasabing lalawigan.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pagkalunod sa tubig-baha ang ikinamatay ng biktima.



Comments