Search
  • BULGAR

Dela Hoya, gagaya kay Tyson magbabalik sa boxing ring

ni Gerard Arce - @Sports | June 27, 2020




Pagbabatayan muna ni dating 6-division World champion at Golden Boy Promotions CEO Oscar De La Hoya ang magiging resulta ng pagbabalik boxing ring ni dating heavyweight titlist “Iron” Mike Tyson bago ito maglabas ng desisyon sa panibagong planong magbalik buntalan.


Isa ang 47-anyos na dati ring 1992 Barcelona Olympics gold medalist sa mga retiradong boksingero na may posibilidad na magbalik laban sa mga darating na panahon.


Nagdesisyon itong ibaba ang telon nang dominahin at gulpihin sa isang laban ni eight-division world champion at World Boxing Association (WBA) welterweight king Manny “Pacman” Pacquiao noong Disyembre 6, 2008 sa pamamagitan ng 8th round technical knockout. Tinapos ng American-Mexican ang kanyang karera na may rekord na 39-6, win-loss at 30KOs.


I actually want to see what Tyson does first,” pahayag ni De La Hoya sa panayam ng The Ring sa kanya hinggil sa darating na laban ni Tyson laban kay Evander ‘The Real Deal” Holyfield para sa isang exhibition fight. “I have been working out, I have been training, I have been staying in shape. Obviously, I'm not in fighting shape yet to go twelve rounds. I'm sure I could get there. We'll see. I want to see Tyson perform, see how his reflexes are, see if he can go past three or four rounds. We'll see and then I'll make my decision,” dagdag nito.


Seryoso ang boxing promoter na muling makipagtuos sa kahit sinong magnanais na makalaban siya sa middleweight division limit.


I'm really considering it. It doesn't matter [who I fight]. Anybody, anybody who is the best out there. I still have that mentality. It would be at 160 [for the weight]. If it's at 154, maybe someone coming up from 147. Any top, top, top guy at 147. It doesn't really matter,” wika ni De La Hoya.


Hindi ito ang unang pagkakataon na nagtangkang bumalik ng boxing ring ang dating Pound-for-Pound fighter. Noong 2012 ay napag-usapan ang muling pag-akyat nito boxing ring, ngunit, inamin din nitong umatras siya sa planong pagbabalik matapos ang ilang trainings. Nabahala umano ito sa hindi maayos na reaksyon ng kanyang katawan kung saan inaasahan nitong magbalik sa mabigat na pagsasanay.


Bukod kay De La Hoya, kamakailan din ay hinamon ni dating four-division titlist Juan Manuel “Dinamita” Marquez ang kababayan nitong si Erik “El Terrible” Morales na tuparin ang naunsyaming paghaharap noong kasagsagan ng kalakasan nila sa mundo ng boksing.


Sinabi ni Marquez na maghaharap sila sa isang exhibition match upang matapos na ang iringan kung bakit hindi natupad ang bakbakan nila, gayundin ang pagtatalo sa naging resulta ng mga laban sa Filipino fighting Senator.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.