Dating OFW, tiklo sa shabu
- BULGAR
- Dec 13, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 13, 2020
Isabela—Isang dating OFW na drug pusher ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Centro, Cabatuan.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Michael Aquino, nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, nang malamang nagbebenta ng shabu si Aquino ay agad nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya kaya nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng dalawang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Aquino.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments