top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dating NPA, dinedbol

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 23, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | April 23, 2023


NEGROS OCCIDENTAL—Isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. Carabalan, Himamaylan City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo na si Regie Soledad, dating miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.


Ayon sa ulat, habang naglalakad si Soledad ay biglang sumulpot ang suspek at agad binaril sa likod ng ulo ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang suspek.


Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang motibo ng salarin sa pamamaslang sa biktima.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page