top of page
SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI

Dating maka-VP Leni, bumalimbing, na-bash… JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI SI SEN. ALAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 hours ago
  • 2 min read

ni Kayshie Bago (OJT) @Sheet Matters | July 22, 2026



SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI SI SEN. ALAN-IG _joshuagarciae

Photo: IG _joshuagarciae



Naging usap-usapan sa social media si Joshua Garcia matapos mapansin ng ilang netizens ang umano'y mga TikTok repost niya na may kaugnayan sa mga video na sumusuporta kay Vice-President Sara Duterte. 


Tila nandiri ang ilan dito at hindi inaasahan ang pangyayari dahil matatandaang dati nang inihayag ng aktor ang kanyang suporta kay dating Vice-President Leni Robredo noong nakaraang halalan. 


Dahil dito, marami ang nagtaka na nabago na ang kanyang paninindigan sa pulitika. 

May mga netizens namang nagsabing wala umanong masama kung iba na ang kanyang sinusuportahan dahil karapatan naman ng bawat isa ang pumili ng kandidatong nais nilang suportahan. 


Pero para sa iba, nakalilito umano ang naturang mga repost dahil taliwas ito sa dati niyang ipinakitang paninindigan.

Bunsod nito, bumuhos ang iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizens. Kabilang sa mga komento ang: 


"Ay hala, 8080 pala 'to talaga,"

"Eww DDS."

“Kadiri, nuh?” 

"Ganyan talaga ‘pag bulakbol sa school. Hahaha!”


Makalipas ang ilang oras, napansin ng ilang netizens na nawala na ang ilan sa mga TikTok reposts na may kaugnayan sa pagiging pro-Sara ni Joshua.


Gayunpaman, nanatili pa rin umano ang isang video tungkol sa mga highlight ng impeachment trial ni VP Sara na mula sa isang content creator na hayagang sumusuporta sa bise-presidente. 


May ilang tagahanga ang naniniwalang maaaring aksidente lamang ang pagkaka-repost ng aktor at hindi niya ito agad napansin. Ngunit may iba namang tumutol sa paliwanag na ito at iginiit na ilang araw na umanong naka-repost ang mga naturang videos bago ito naalis, kaya para sa kanila ay mahirap paniwalaang simpleng pagkakamali lamang ang nangyari.


Samantala, bukod dito, may mga netizens ding nakapansin na wala na umano sa following list ni Joshua sa Instagram sina VP Sara at Senador Alan Peter Cayetano. Ito ay kasunod nga ng pagbura ng aktor sa mga repost niya ng video ni VP Sara sa Tiktok.


Kaya naman, sari-saring espekulasyon ang lumabas online. May mga nagsabing maaaring nais lamang niyang tapusin ang isyu habang may iba namang naniniwalang bunga ito ng matinding batikos na kanyang natanggap sa social media.


Kabilang sa mga komento ng mga netizens ang…

 "Joshua Garcia – a disappointment," 

"Paktay ang career ng starlet. Dasurb."


Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Joshua Garcia hinggil sa mga isyung kinasasangkutan niya. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page