top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Dating kapitana, todas sa riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 16, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 16, 2023



ILOILO -- Isang dating barangay chairwoman ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Bacolod, Leon sa lalawigang ito.

Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si ex-Chairwoman Teresa Amualla, 59, residente ng Bgy. Cabolo-an sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nakaupo umano si Amualla sa waiting shed nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang salarin na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na si Amualla.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page