Dati raw, tahimik lang ang buhay… CHIZ, AMINADONG INULAN NG PANLALAIT NANG MAGING ASAWA NI HEART
- BULGAR

- Jul 7, 2020
- 2 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 7, 2020

Nakakatuwang panoorin si Heart Evangelista habang iniinterbyu ang mister niyang si Gov. Chiz Escudero hinggil sa Anti-Terrorism Law.
Halos apat na buwang hindi nagkita ang mag-asawa dahil sa lockdown. Nasa Sorsogon ang gobernador samantalang nandito sa Manila si Heart.
Ang cute ng dalawa habang iniinterbyu ni Heart si Chiz.
Unang tanong ng Kapuso actress sa mister ay tungkol sa social media. Ano raw ang masasabi niya tungkol sa internet.
Sagot ni Chiz, “I grew up without the internet. We only used to play Game and Watch."
Isa lang daw ‘yung small device na battery operated.
Ngayon daw na may internet na ay nakikita na niya ang mga taong gusto niyang makita.
"Kaya marami ang naiinggit," ani Chiz na nakatingin kay Heart.
Pero kung palagi raw "ipinaparada" ang sarili sa internet, "Saying things, doing things, then you better take the good with the bad. If you can’t, then don’t."
Si Heart ay tawa nang tawa dahil siya ang pinatutungkulan ng mister sa mga sinasabi nito.
'Pag hindi na nga raw kaya ni Heart ang mga pamba-bash ay pumupunta na lang siya sa kitchen.
Payo naman ni Chiz, chill lang and learn to ride both (negative and positive comments).
Ayon pa kay Chiz, noon daw, mine-memorize pa niya ang pangalan ng mga artista, sabay sabi ng pulitiko, "Buti na lang, nakilala kita."
Nag-throwback tuloy ang dalawa. Sabi ni Heart, "Nakita mo ako saan… sa kabilang network. I am waiting for my car?"
"Yes," sagot ni Chiz, "naka-white shirt ka at dumating ang syota mo (ang lakas ng tawanan ng mag-asawa)."
Nu'ng maging mag-asawa ang dalawa, sabi ni Chiz, grabe ang panlalait na natanggap niya mula sa mga fans ni Heart.
Nananahimik daw siya noon at never na naka-encounter ng mga panlalait pero first time ngang nangyari sa kanyang buhay nang maging sila ni Heart.
Samantala, seryosong tinanong ni Heart si Chiz tungkol sa ATL.
Nilinaw ni Chiz bilang lawyer ang kahalagahan ng mga provisions ng Anti-Terrorism Law na malaking katanungan din sa ating lahat.
Ani ng netizen, "May sense ang sinabi ni Chiz dito, ang ganda ng interview."
Nagbigay pa siya ng tatlong halimbawa para maging basehan ng pag-aresto sa isang taong lalabag sa Anti-Terror Law.





Comments