top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Daniel Padilla, viral sa pagtulong sa isang tricycle driver

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 12, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | August 12, 2020



Naging viral ang video ng isang netizen matapos nitong mamataan si Daniel Padilla matapos mabangga ng isang tricycle driver ang sasakyan ng aktor.

Lalo pang kinagiliwan ng mga taong nakakita sa insidente ang aktor dahil imbes na pagmultahin ang tricycle driver ay ang aktor pa mismo ang nagbigay ng pera.

Ito ay nangyari sa Fairview, Quezon City at galing sa post ni Jessica De Vera Tamayo at Reynaldo Duron sa kani-kanilang personal na Facebook account.

Makikita sa video na kausap ni Daniel ang tricycle driver at ipinakita rin na nabangga ng tricycle driver ang bumper ng sasakyan ni Daniel. Wala namang nasaktan sa nangyaring insidente.

Ayon kay Tamayo, “Si Daniel na nabunggo siya pa nagbigay kay manong. Bait talaga.”

“Sobrang bait ni Daniel Padilla. Siya na nabangga, siya pa nagbayad sa tricycle,” aniya ni Duron.

Nag-post naman ang nanay ng aktor na si Karla Estrada at sinabing okay si Daniel Padilla at tanging gasgas lang sa kaniyang sasakyan ang nakuha sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page