Dalawang tattoo artist, timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | December 4, 2022
AKLAN—Dalawang tattoo artist na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Boracay Island.
Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Tomas Montecarlo, 25-anyos, tubong Antique at Dan Angelo Santos, 39-anyos, tubong Marikina City.
Napag-alamang dinakip ng mga awtoridad sina Montecarlo at Santos sa isinagawang buy-bust operation sa nabanggit na lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang sachets ng shabu, sachet ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Sinampahan na ng pulisya ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Montecarlo at Santos.



Comments