top of page
Search
  • BULGAR

Dalawang Fate Line, indikasyon na mawawalan ng trabaho pero mas uunlad sa ibang kumpanya

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| October 28, 2020




KATANUNGAN

  1. Ano ang ibig sabihin kapag dalawa ang Fate Line? Huminto kasi ‘yung isang Fate Line ko, pero nagpatuloy naman ‘yung ikalawa. Ibig sabihin ba nito ay mawawalan ako ng trabaho?

  2. Sa ngayon, nagtatrabaho ako bilang security guard at napakaraming intriga dahil sinisiraan ako ng mga kapwa ko security guard sa aming amo dahil magiging supervisor na ako.

  3. Gusto kong malaman kung matutuloy ba ang promosyon ko kahit maraming naiinggit at naninira sa akin?

KASAGUTAN

  1. Kapag dalawa ang Fate Line na tinatawag ding Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) at magkasabay itong gumuhit sa kaliwa at kanang palad, ito ay nangangahulugang dalawang hanapbuhay o pagkakakitaan ang sabay mong maaaturga sa isang partikular na panahon sa iyong buhay. Ito rin ay nangangahulugang magiging dalawa o kasalukuyan nang dalawa ang source of income mo.

  2. Pero sa kaso mo, hindi naman ito sabay, bagkus ay nag-overlap lang ang nasabing dalawang Fate Line (arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang ibig sabihin nito ay maaaring mawalan ka ng trabaho, pero pansamantala lang upang sa bandang huli, mare-realize mo ring hindi ka talaga nawalan ng trabaho, bagkus ay nagpalit ka lang ng hanapbuhay sa mas magandang posisyon.

  3. Dahil pareho namang malinaw at makapal ang nag-overlapping na Career Line (arrow a. at b.), tulad ng naipaliwanag na, mawalan ka man ng hanapbuhay sa panahon ngayon, hindi ka dapat matakot. Ito ay dahil tulad din ng naging buhay ni Job na nakasulat sa Bible, nawala sa kanya ang lahat ng kanyang kayamanan, ganundin ang kanyang mga anak, ngunit dahil likas at talagang mahal siya ng Diyos, ibinalik Niya kay Job ang lahat ng bagay na nawala sa kanya nang siksik, liglig, umaapaw at doble-doble pa.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sinasabing sadyang mahiwaga ang buhay at hindi natin batid kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ngunit kung marunong kang tumingin ng guhit ng palad, kahit papaano ay mahihinuha mo ang posibleng maganap bukas.

  2. Ayon sa iyong mga datos, Jaguar, ‘wag kang masyadong mangamba at mag-alala dahil tulad ng nararanasan nating pandemya sa kasalukuyan, walang nakakaalam at maaaring ito pa ang magdala sa mas maunlad at masaganang buhay natin sa kinabukasan. Kaya kung ikukumpara sa kasalukuyang nangyayari sa buhay mo, tiyak ang magaganap, kahit maraming umiintriga at naninira sa iyo, matutuloy ang promotion mo at tataas ang iyong suweldo. Ngunit sa 2021, bigla kang mawawalan ng trabaho, pero ang totoo ay malilipat ka lang ng ibang kumpanya na may mas malaking suweldo at mas magandang posisyon. Sa nasabing kumpanya o agency ka na habambuhay na magiging mas maunlad, asensado at magiging maligaya (F-F arrow b.).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page