Dalagita, sapul sa ligaw na bala
@Balitang Probinsiya | October 04, 2023
BATANGAS -- Isang dalagita ang sugatan nang tamaan ng isang ligaw na bala kamakalawa sa bayan ng San Juan sa lalawigang ito.
Ang biktimang 13-anyos ay itinago ng pulisya sa pangalang "Ine," residente ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang naglalakad ang biktima ay may tumama sa kaliwang braso nito na isang ligaw na bala.
Dahil dito, agad dinala ng mga residente ang biktima sa ospital at kasalukuyang ginagamot na ito.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at madakip ang suspek na nagpaputok ng baril.



Comments