top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Dalagita nalunod sa ilog

BULGAR
Jan 7, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 7, 2023


ALBAY—Isang 14-anyos na dalagita ang namatay nang malunod habang naliligo sa ilog na sakop ng Bgy. Nasisi, Ligao City.


Ang biktima ay nakilalang si Nica Opeña, nakatira sa nasabing lungsod.


Nabatid na naligo si Opeña, kasama ang kanyang mga kaibigan sa ilog naturang lugar, at nang magawi sa malalim na bahagi ng tubig ay dito nalunod ang biktima.


Napag-alamang agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa ilog.


Ayon sa ulat, nang dumating ang rescue team ay saka lang natagpuan sa ilalim ng tubig si Opena, pero patay na ito ng maiahon sa ilog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page