top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Dalagita, nalunod sa dagat

BULGAR
Jan 17, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 17, 2023


PALAWAN—Patay ang17-anyos na dalagita nang malunod habang naliligo sa dagat na sakop ng Bgy. Simpocan, Puerto Princesa City.


Ang biktima ay nakilalang si Ella Aludia, residente ng Bgy. San Manuel sa nabanggit na lungsod.


Nabatid na naligo si Aludia, kasama ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan sa dagat sa naturang lugar at nang magawi sa malalim na bahagi ng tubig ay dito nalunod ang biktima.


Napag-alamang agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa dagat.


Ayon sa ulat, nang dumating ang rescue team ay saka lang natagpuan sa ilalim ng dagat ang biktima at agad itong dinala sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page