Dalagita, nabangga ng motorsiklo
@Balitang Probinsiya | February 14, 2022
CAMARINES NORTE–Isang 14-anyos na dalagita ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo ang kinalululanan niyang bisikleta kamakalawa sa Alayao, Capalonga.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima na residente sa naturang barangay.
Nabatid na mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Roland Calzado, 29-anyos, kaya nabangga nito ang nagbibisikletang biktima.
Ayon sa ulat, nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang biktima.
Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang sinampahan na ng pulisya si Calzado ng kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.



Comments