top of page
Search
  • BULGAR

Dalagita, kinidnap ng matandang binata

@Balitang Probinsiya | March 9, 2021



DAVAO DEL SUR—Isang matandang binata na kumidnap sa dalagita na kanyang nililigawan ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Asbang, Matanao.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Abner Manife, 48-anyos, samantalang na-rescue naman ng mga operatiba ang biktimang itinago sa pangalang “Rose”, 13-anyos, kapwa nakatira sa Pigcawayan, North Cotabato.


Ayon sa ulat, niligawan ni Manife si “Rose” pero dahil bata pa ang biktima ay binasted nito ang suspek na humantong para kidnapin nito ang batang babae sa North Cotabato at dinala sa bahay ng kanyang kamag-anak sa Davao del Sur.


Dahil dito, agad humingi ng tulong sa pulisya ang mga magulang ni “Rose” at sa follow-up operation ay nadakip ang suspek at na-rescue ang biktima.


Sa ngayon ay sinampahan na ng pulisya ng kasong kidnapping si Manife, at inaalam na rin kung na-rape ang biktima upang masampahan din ng kasong rape ang suspek.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page