Dalagita, huli sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | June 18, 2023
SORSOGON -- Isang 16-anyos na dalagitang drug pusher ang naaresto sa drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Buenavista, Irosin sa lalawigang ito.
Dahil menor-de-edad, hindi na pinangalanan ang suspek na residente sa naturang barangay.
Nadakip ang suspek sa drug-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments