top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dalaga, nagbigti

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 17, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | December 17, 2021


AKLAN—Isang dalaga ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa loob ng kanilang bahay kamakalawa sa bayan ng Kalibo.


Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.


Nabatid na ilang kamag-anak ng dalaga ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa loob ng kanilang bahay.


Ayon sa mga kamag-anak ng biktima ay bago nagbigti ang biktima ay nagkaroon ito ng pakikipagtalo sa kanyang nobyo na umano’y nabistong may karelasyong ibang babae.


Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matiyak na walang foul play sa pagpapakamatay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page