Dalaga, nagawang ibenta ang sarili para sa droga
- BULGAR
- Oct 25, 2023
- 1 min read
ni Sister Isabel del Mundo - @Mga kuwento ng buhay at pag-ibig | October 25, 2023
Dear Sister Isabel,
Mahilig akong makipagkaibigan, at dahil du'n ay na-push akong tumikim ng droga.
Noong una, paunti-unti lang pero nu’ng tumagal-tagal ay dumalas-dalas na ito.
Napilitan akong ibenta ang aking sarili para sa droga. May trabaho naman ako pero kulang pa ito sa bisyo ko.
Nagbo-board ako rito sa Manila, at hindi alam ng magulang ko ang kalagayan ko ngayon.
Bihira lang ako kung umuwi sa probinsya, hindi nila ako gaanong hinahanap dahil abala rin sila sa negosyo nila ru'n. Gusto ko nang tumigil pero natatakot ako. Suki na ako ng isang sindikato na binibilhan ko. Tinatakot at binabantaan nila ako na ‘wag umano akong titigil sa pagbili ng droga.
Ano ang dapat kong gawin? Tulungan n'yo ako, Sister Isabel.
Nagpapasalamat,
Gloria ng Cavite
Sa iyo, Gloria,
Sa palagay ko ay mas makakabuting umalis ka na r'yan sa tinitirahan mo at mag-iba ka na rin ng pinapasukang trabaho. Magbagong buhay ka sa lugar na ‘di ka nila mahahanap. Tuluyan mo ring alisin ang bisyo mo. Kaya mo ‘yan, basta’t pagsumikapan mo. Walang mabuting maidudulot sa iyo ang bawal na gamot, pati tuloy ang 'yung sarili mo ay naibenta mo na.
Magbagong buhay, at humingi ka ng tawad sa Diyos. Taimtim kang magdasal para i-guide ka niya sa bagong buhay na papasukin mo. Sumaiyo nawa ang pagpapala ng Dakilang Lumikha.
Sumasaiyo,
Sister Isabel del Mundo








Comments