Dahil sa selos, kelot nagbigti

@Balitang Probinsiya | December 15, 2020
AKLAN—Isang lalaki ang nagpakamatay dahil sa selos nang magbigti kamakalawa sa loob ng kanyang kuwarto sa bayan ng Malay.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalan ng pulisya ang biktima.
Nabatid na ilang kamag-anak ng biktima ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa loob ng kanyang kuwarto.
Ayon sa ulat, bago umano nagpakamatay ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima sa nobya nito dahil may pinagseselosan itong ibang lalaki.
Gayunman ay inaalam pa rin ng pulisya kung walang naganap na foul play sa pagpapakamatay ng biktima.



Comments