Cutie baby girl ang anak nina Iya Villania at Drew Arellano
- BULGAR

- Jul 18, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 18, 2020

Isang cutie baby girl, ang ikatlong anak nina Iya Villania at Drew Arellano.
Nanganak si Iya ngayon sa kanyang third and only girl, na pinangalanan nila ni Drew ng Alana Lauren Arellano.
Sobrang proud daddy si Drew na agad in-upload ang post sa IG account ng lovely face ni Baby Alana Lauren.
Isang linggo munang magpapahinga si Iya sa kanyang taping sa talk show nila ni Camille Prats, na Mars Pa More para maalagaan nang husto ang baby girl niya.
Baby Alana Lauren, welcome to the Christian world!





Comments