top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Contractor, utas sa riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 22, 2023


QUEZON — Isang contractor ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Candelaria sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Cornelio Cuevas, 48, at nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, habang nakaupo si Cuevas sa nakaparada niyang sasakyan ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang salarin na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Cuevas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page