top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Construction worker, tinodas ng kaalitan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 16, 2023


QUEZON -- Isang construction worker ang namatay nang pagsasaksakin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Concepcion 1, Sariaya sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Junior Reynante, samantalang ang suspek ay si Niel Yacon, kapwa nasa hustong gulang, at parehong nakatira sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Reynante at Yacon na humantong sa suntukan hanggang pagsasaksakin ng suspek ang biktima.


Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nahaharap ang suspek sa kasong murder.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page