top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Construction worker, tinodas

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 20, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 20, 2023



NEGROS OCCIDENTAL -- Isang construction worker ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki sa tapat ng kanilang bahay kamakalawa sa Brgy. Cabug, Bacolod City sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Jury dela Cruz, 48, at residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nasa tapat umano ng kanilang bahay si Dela Cruz nang biglang sumulpot ang salarin at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang salarin.


Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara siyang dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page