top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Construction worker, tinaga ng tiyuhin

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 1, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 1, 2023


ILOILO — Isang construction worker ang sugatan nang tagain ng kanyang tiyuhin kamakalawa sa Bgy. Cruz, Barotac Nuevo sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktimang nagtamo ng taga sa kanang kamay na si Robert Lecoto, 34-anyos, samantalang ang suspek ay ang tiyuhin nito na si Noriel de Prado, 62, kapwa nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang magtiyuhin na humantong para tagain ng suspek ang biktima.


Matapos ang pananaga sa kanyang pamangkin ay agad sumuko sa pulisya ang suspek.


Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong frustrated murder, samantalang inoobserbahan pa sa pagamutan ang biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page