Construction worker tiklo sa shabu
@Balitang Probinsiya | March 16, 2023
ILOILO—Isang construction worker ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Airport, Mandurriao sa lalawigang ito.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan siya ng mga awtoridad para malaman kung sino ang nagsu-supply sa kanya ng droga.
Napag-alaman na ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ng construction worker ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng construction worker.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments