Construction worker, tiklo sa shabu

@Balitang Probinsiya | January 29, 2021
NUEVA ECIJA—Isang construction worker ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Marcos, Talavera.
Ang suspek ay nakilalang si Chito Reyes, residente sa nasabing barangay.
Nabatid na naaresto ng mga awtoridad ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa naturang lugar.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments