Construction worker sinaksak ng kainuman
@Balitang Probinsiya | November 16, 2022
CEBU—Nasa kritikal na kalagayan ang isang construction worker nang saksakin ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Agus, Lapu-Lapu City.
Ang biktima ay nakilalang si Francisco Ompad, samantalang ang suspek ay si Herminildo Amistad, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman sina Ompad at Amistad ay nagkaroon ng pagtatala ang dalawa na humantong para maglabas ng patalim at saksakin ng suspek ang biktima sa iba't ibang parte ng katawan.
Kaagad dinala ng mga saksi si Ompad sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.
Pinaghahanap na ng pulisya ang tumakas na suspek upang sampahan ng kasong frustrated murder.



Comments