Construction worker, pinatay ng kaalitan
@Balitang Probinsiya | April 27, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang construction worker ang namatay nang pagsasaksakin ng kanyang kaalitan, kamakalawa sa Bgy. Tanawan, Kabankalan City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang nagtamo ng saksak sa katawan na si Ricky Figueroa, 37, samantalang ang suspek ay si Reje Reyes, nasa hustong gulang, kapwa nakatira sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo sina Figueroa at Reyes na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments