Construction worker, natagpuang patay
- BULGAR
- Aug 27, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 27, 2023
ILOILO -- Isang construction worker ang natagpuang patay kamakalawa sa loob ng construction site sa Bgy. Calajunan, Mandurriao sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Melward Juson, nasa hustong gulang at stay-in worker sa construction site sa naturang barangay.
Napag-alaman na mga kasamahan sa trabaho ni Juson ang nakatagpo sa kanyang duguang bangkay na may mga tama ng saksak sa katawan sa loob ng construction site.
Huli umanong nakitang buhay si Juson habang nakikipag-inuman sa tatlong katrabaho nito sa construction site.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung may kinalaman sa krimen ang tatlong hindi pinangalanang katrabaho at kainuman ni Juson.



Comments