top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Construction worker, natagpuang patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 29, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 29, 2020



ALBAY—Isang construction worker na nakuryente ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. Sta. Teresita, Polangui.


Ang biktimang may 3rd degree burns sa katawan ay nakilalang si Rudy Cayas, nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na mismong ama ni Cayas ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan niyang bangkay ng biktima sa damuhan malapit sa bahay nito.


Napag-alamang tatlong araw na umanong nawawala si Cayas kaya’t hinanap ito ng kanyang ama hanggang sa matagpuan ang bangkay ng biktima.


Sa imbestigasyon, posible umanong nakuryente si Cayas habang may ginagawa sa labas ng kanilang bahay at humingi ng saklolo hanggang sa matumba sa damuhan at dito na ito namatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page