Construction worker nalunod sa ilog
@Balitang Probinsiya | December 22, 2022
CAMARINES SUR—Patay ang isang construction worker nang malunod habang naliligo kamakalawa sa ilog na sakop ng Naga City.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Bermon Reyes, 29-anyos at tubong Parañaque City.
Ayon sa ulat, naligo umano si Reyes, kasama ang ilang kaibigan sa Yabu River, pero napagawi ang biktima sa malalim na bahagi ng tubig, kaya ito nalunod.
Kaagad sumaklolo ang rescue team, pero hindi agad natagpuan ang nalunod na biktima.
Nabatid na makalipas ang ilang oras na paghahanap ay lumutang ang bangkay ng biktima.



Comments