Construction worker, nalunod sa ilog
- BULGAR
- Nov 8, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 8, 2021
CAPIZ--Patay ang construction worker ang nang malunod sa ilog na sakop ng Bgy. Balat-ana, Mambusao.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Robert Gualberto, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, tumatawid umano sa ilog si Gualberto nang biglang rumagasa ang tubig at tinangay ang biktima.
Nabatid na agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad natagpuan sa ilog ang biktima.
Napag-alamang makalipas ang ilang oras ay natagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktima sa gilid ng ilog.



Comments