Construction worker, huli sa boga at shabu
@Balitang Probinsiya | March 31, 2023
CAPIZ—Isang construction worker ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng baril at shabu kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Lawa-an, Roxas City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Ringgo Arbolado, 34, nakatira sa Bgy. Mongpong sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo nang mapadaan si Arbolado sa police checkpoint, at nang kapkapan ay nakumpiskahan ito ng isang .357 revolver, mga bala at walong gramo ng shabu.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments