top of page

Construction worker, dinedo ng pasahero

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 23, 2024
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 23, 2024


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang construction worker ang napatay nang barilin ng isang lalaking kapwa niya pasahero sa isang tricycle, kamakalawa sa Brgy. Carabalan, Himamaylan City sa lalawigang ito. 


Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib ay nakilalang si William Balsimo, 38 at nakatira sa nasabing lungsod, samantalang hindi na muna pinangalanan ang suspek hangga’t hindi pa ito nadadakip ng mga otoridad.


Ayon sa ulat, sumakay si Balsimo sa isang tricycle na kinalululanan din ng tatlong lalaki at sa hindi malamang dahilan ay binaril ng suspek ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek, samantalang dinala ng tricycle driver at ng dalawa pang pasahero si Balsimo sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente para mabatid ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.

 

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page