Construction worker dinedbol
@Balitang Probinsiya | March 25, 2023
CAMARINES SUR—Isang construction worker ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Del Carmen, Lagonoy sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Livy Caganda, 38-anyos at nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang kausap umano ni Caganda ang dalawang suspek sa labas ng kanilang bahay ay biglang pinagbabaril ng mga salarin ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan pa ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Caganda.



Comments