top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Construction worker, dedbol sa landslide

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 10, 2023


BATANGAS – Isang construction worker ang namatay at isa pa ang nasa kritikal na kondisyon nang matabunan sila ng landslide kamakalawa sa Bgy. Babuyan, Mataas na Kahoy sa lalawigang ito.


Kinilala ang nasawi na si Elmerto Teosan, samantalang ang sugatan ay si Mario Valencia, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, bigla umanong gumuho ang lupa sa drainage na hinuhukay ng dalawang biktima kaya natabunan sila ng lupa.


Agad sumaklolo ang mga residente at dinala sa ospital ang dalawang biktima, pero idineklarang dead-on-arrival si Teosan.


Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page