top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Comelec officer todas sa ambush

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 15, 2023


SULTAN KUDARAT—Isang Comelec officer ang namatay sa pang-a-ambush na ginawa ng mga hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. Pinguiaman, Lambayong sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Haviv Maindan, municipal Comelec officer ng bayan ng Barongis, Maguindanao del Sur.


Ayon sa ulat, habang lulan si Maindan ng kanyang SUV (Sports Utility Vehicle), kasama ang kanyang bodyguard na si Rolly Dilangalen nang pagbabarilin sila ng mga suspek.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek, samantalang hindi naman tinamaan ng bala si Dilangalen.


Agad dinala ni Dilangalen at iba pang saksi si Maindan sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page