top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

College student, tiklo sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 4, 2024


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 24-anyos na college student ang nadakip sa buy-

bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. 2-Poblacion, La Carlota City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala lang ng pulisya sa alyas na “Ramon” habang iniimbestigahan ito ng mga otoridad.


Ayon sa ulat, naaresto ang suspek nang pagbentahan nito ng umano’y shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng droga.


Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng 50 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive

Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page