Coast guard tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | Enero 12, 2023
ZAMBOANGA CITY—Isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Cabatangan.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Napag-alamang dinakip ng mga awtoridad ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Sinampahan na ng pulisya ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.



Comments