Co, nagtanong: ‘Private army’ ba ang 51 baril nina Sara at Mans?

by BRO @News | September 29, 2026

Photo: File / Renee Co / FB
Tinanong ni House impeachment spokesperson Renee Co kung para sa isang “private army” ang 51 baril na nakarehistro kina Vice President Sara Duterte at asawang si Manases “Mans” Carpio.
Sa impeachment trial nitong Lunes, sinabi ng PNP-Firearms and Explosives Office na 22 baril ang nakarehistro kay Duterte at 29 naman kay Carpio.
Tinatayang ₱7.22 milyon ang kabuuang market value ng mga baril. Nilinaw naman ng PNP na market value lamang ito at hindi aktuwal na presyo ng pagkakabili.
May apat ding Class A firearms na kayang pumutok nang sunod-sunod sa isang pindot ng gatilyo.
Iginiit naman ng depensa na hindi malinaw kung magkano talaga ang ibinayad sa mga baril at kung paano nakuha ang mga ito. Hindi na rin nito kinross-examine ang PNP witness.
Samantala, sinabi ng prosecution na mahalaga ang records dahil bahagi ng personal assets ang mga baril at dapat umanong ideklara sa SALN.





Comments