top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

City official, todas sa ambush

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 4, 2024


COTABATO CITY -- Isang city official ang namatay sa pananambang at pamamaril ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Sinsuat Avenue, Brgy. Rosary Heights Mother sa lungsod na ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Jose Marquez, nasa hustong gulang at opisyal ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO).


Ayon sa ulat, habang lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad siyang pinagbabaril.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Inaalam na ng mga otoridad ang motibo ng mga suspek sa pananambang kay Marquez.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page