top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

City hall employee, arestado sa shabu

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 14, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 14, 2023


ILOILO—Isang kawani ng city hall ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. San Isidro, Jaro sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Stewart Macatual, kawani ng Iloilo City Hall at nakatira sa nabanggit na lungsod.


Nabatid na may nag-tip sa pulisya na nagbebenta ng shabu si Macatual kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad na naging dahilan upang madakip ang suspek.


Nakakumpiska ang mga tauhan ng pulisya ng 17 gramo ng shabu at at markadong pera sa pag-iingat ni Macatual.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page