top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Chinese, timbog sa shabu

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 12, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 12, 2020



ZAMBALES—Isang Chinese national ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Sto. Tomas, Subic.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jiafing Lu, tubong Guandong, China at turista sa Pilipinas.


Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya si Lu na kahina-hinala ang kilos habang nakatayo sa nasabing barangay at nang sitahin ay biglang itinapon ng suspek ang dala niyang supot at saka tumakbong patakas.


Nang tingnan ang laman ng supot ay nakita ng mga awtoridad na may laman itong shabu kaya agad tinugis ng pulisya ang suspek at dinakip.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page