ni Angela Fernando @News | May 27, 2024
Nagpahayag si Chinese Premier Li Qiang kay Samsung Chairman Jay Y. Lee nu'ng Linggo na malugod na tinatanggap ng China ang karagdagang investment ng Korean conglomerate.
Ang pagpupulong sa Seoul sa pagitan ng pangalawang pinakamataas na opisyal ng China at ng Korean executive ay naganap bago ang isang summit sa pagitan nina Li, South Korean President Yoon Suk Yeol, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida, ang unang “three-way talk” ng mga bansa sa Asya sa loob ng mahigit apat na taon.
Matatandaang sinabi ng isang executive ng kumpanya sa isang ulat nu'ng Nobyembre ng state-run China Daily na ang Samsung Electronics ay naglaan ng $24-bilyon sa loob ng nakaraang anim na taon sa Chinese market.
Gayunpaman, nakakaranas ang Korean tech giant ng mas lumalaking hamon sa kanilang negosyo sa gitna ng tensyon sa pagitan ng U.S. at China.
Comments