Chef, inireklamo ng panggagahasa
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 8, 2024
RIZAL -- Isang chef ang inireklamo ng panggagahasa ng isang 19-anyos na dalaga kamakalawa sa Antipolo City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek na 41-anyos, residente ng Laguna, hangga’t hindi pa ito nadadakip ng mga otoridad.
Ayon sa biktimang itinago sa pangalang “Karen”, personal na magkakilala sila ng chef at noong March 2, 2024 ay pumasyal ito sa kanilang bahay.
Nang mapuna umano ng suspek na nag-iisa lang sa bahay ang biktima ay dito na niya ginahasa ang dalaga.
Sa ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.



Comments