Chairman, tepok sa 2 senglot

@Balitang Probinsiya | December 16, 2020
CAPIZ—Isang barangay chairman ang namatay at sugatan naman ang tanod nang saksakin sila ng dalawang lasing na lalaki kamakalawa sa Bgy. III, Roxas City.
Kinilala ang nasawing biktima na si Chairman Ruben Fuentes, samantalang ang sugatan ay ang tanod na si Cesar Edrosolano, kapwa residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagwala dahil sa labis na kalasingan ang mga suspek na sina Virgilio Vigor at Joseph Jamora, kapwa tubong Iloilo, at nang sitahin sila nina Fuentes at Edrosolano ay biglang pinagsasaksak ng mga salarin ang dalawang biktima.
Kaagad namang nadakip ng mga nagrespondeng pulisya ang mga suspek.
Samantala, dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital na kapwa nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan, pero idineklarang dead-on-arrical si Fuentes.



Comments