Chairman, patay sa ambush

@Balitang Probinsiya | November 5, 2020
ABRA—Isang barangay chairman ang namatay sa isinagawang pananambang at pamamaril ng dalawang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Lipcan, Bangued.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Chairman Jason Bergonia, residente ng Bgy. Lingtan sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang lulan ng kanyang trak si Bergonia ay biglang sumulpot ang dalawang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.



Comments